City of Imus

3 rescue vehicles, 2 logistics support vehicles pinasinayaan ng Imus LGU



February



Binasbasan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang tatlong pinakabagong rescue vehicles at dalawang bagong logistics support vehicles nitong Pebrero 23, 2026, sa New Imus City Government Center.

Nanguna sa pagbabasbas si Rev. Fr. James Andes, kasama sina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, at mga konsehal.

Ang tatlong bagong rescue vehicles ay idinisensyo para sa mabilis na pagliligtas sa mga Imuseñong maaaring maapektuhan ng mga pagbaha at iba pang sakuna. May kakayahan ang bawat sasakyan na magsakay ng mahigit 40 katao at makatawid sa apat na talampakang baha.

“Magagamit [din] ‘to. . .hindi lang sa baha [dahil] kapag may mga strike ang mga mass transport[tation] ay puwedeng gamitin, ilabas ng city government nang sa gayon ay magamit [ng] ating mga kababayan,” pahayag ng alkalde.

Samantala, ang dalawang logistics support vehicles ang magsisilbing katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagdadala ng mga kagamitan at suplay para sa iba’t ibang programa, higit sa kalagitnaan ng mga sakuna.

“Ito po ay malaking tulong sa pagtatransport ng goods at ibang items, lalo na pagdating sa pagre-rescue,” ani Mayor AA.

Inaasahang mas magpapabilis sa operasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang mga bagong pampublikong sasakyan.