City of Imus

Imus LGU, Bronze Awardee sa MBCRPP Compliance Assessment



December



Pinarangalan ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng Bronze Award para sa Provincial Level – City Category matapos makakuha ng 95.48 porsyentong rating sa 2024 Local Government Unit (LGU) Compliance Assessment ng Department of the Interior and Local Government (DILG) IV-A para sa Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP) noong Disyembre 9, 2025, sa Lungsod ng Lipa, Batangas.

Sinasalamin ng pagkilalang ito ang masigasig na pagpapatupad ng lokal na pamahalaan ng mga programa at proyektong nangangalaga at nagpoprotekta sa kalidad ng tubig na dumadaloy patungong Manila Bay.

Kabilang sa mga isinasagawang hakbang ng Pamahalaang Lungsod ay ang araw-araw na pagwawalis ng Bantay Kalikasan, pagkolekta ng mga plastic residual, araw-araw na paglilinis sa mga kailugan ng river rangers sa pakikipagtulungan sa Provincial City Environment and Natural Resources Office, at paglilinis ng mga kanal ng Engineering Action Team.

Hangad ng lokal na pamahalaan ang pakikiisa ng mga Imuseño sa pagpapanatili at pagpapabuti ng kalinisan sa kapaligiran ng Imus.