City of Imus

Handog Pasasalamat ngayong Pasko ng Imus LGU



December



Iba’t ibang paraan ng pasasalamat ang ipinarating ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa mga grupo at organisasyon sa Imus mula Disyembre 3 – 28, 2025, sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula.

Ceremonial Turn Over of Jackets and Polo Shirts for Life Coaches

Nagsimula ang serye ng pasasalamat sa pormal na pagkakaloob ng mga bagong jacket at polo shirt sa life coaches ng lokal na pamahalaan na katuwang sa pagbabagong-buhay ng mga Imuseñong dating gumagamit ng ipinagbabawal na gamot noong Disyembre 3 sa Function Hall, New Imus City Government Center.

Inaasahan Hiling ni Mayor AA na naramdaman ng bawat life coach ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa walang sawa nilang pagseserbisyo.

Yazaki EMI Gift Distribution to barangay utility workers

Sa pakikipagtulungan ng Yazaki EDS Manufacturing, Inc. (EMI) sa Pamahalaang Lungsod ng Imus, naiparating sa utility workers ng mga barangay ang Pamaskong handog noong Disyembre 4 sa Function Hall, New Imus City Government Center.

Hangad ng Yazaki EMI na nakapaghatid ito ng ngiti at saya sa barangay utility workers ngayong Kapaskuhan.

Pasasalamat sa mga Bantay Bayan

Personal na pinasalamatan ni Mayor AA at ng buong Sangguniang Panlungsod ang mga bantay bayan ng bawat barangay nitong Disyembre 16 sa City of Imus Sports Complex. Pinaalalahanan din sila ng alkalde na patuloy nilang gampanan ang kanilang tungkulin nang may disiplina at pananagutan para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lungsod.

AArangkada: Extended Benefit Assistance for Registered Imuseño Tricycle Drivers

Nagtipon ang 2,598 tricycle drivers sa Imus nitong Disyembre 18 sa City of Imus Sports Complex, kung saan personal silang kinumusta at pinasalamatan nina Mayor AA, Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, at ng mga konsehal.

Kinikilala rin ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang kanilang mahalagang papel sa transportasyon sa lungsod. Kaya naman, buong suporta ang ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa mga tricycle driver.

Handog Pasasalamat sa Kaarawan ni Mayor AA

Pinili ni Mayor AA na maipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pagbabahagi sa mga Imuseñong higit na nangangailangan nitong Disyembre 22 at 28. Isa ito sa mga pamamaraan niya para maipadama sa mga Imuseño ang kanyang pasasalamat sa patuloy na tiwala at suporta sa kanyang pamumuno sa lungsod.

Pinasalamatan din ng alkalde ang mga tanggapang katuwang niya sa paghahatid ng munting regalo. Kinabibilangan ito ng Office of the City Engineering, Office of the General Services Officer, Office of the City Mayor – Logistics Team, Task Force, Office of the City Environment and Natural Resources Officer, at Office of the City Information Officer.