City of Imus

18-day Campaign to End VAW 2025: Pagkakapantay at pagpapaigting ng karapatan ng sa mga kababaihan



December



Iniangat ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang kapakanan at karapatan ng mga kababaihan mula sa anumang uri ng pang-aabuso at karahasan sa idinaos na 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW) 2025 mula Nobyembre 25 – Disyembre 12, 2025. Ang 18-day Campaign to End VAW ay taunang kampanya ng pamahalaan na layuning matuldukan ang pang-aabuso sa mga kababaihan sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad at programang nagbibigay-diin sa mga pinagdaraanang pang-aabuso ng mga kababaihan sa loob at labas ng kani-kanilang mga bahay. Sentro ng kampanya ngayong taon ang “UNiTEd for a VAW-Free Philippines: Advancing Equality, Empowering Women,” na hinihikayat ang bawat Pilipino na makiisa sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga karapatang pangkababaihan. Nagsimula ang kampanya sa seremonya ng pagtataas ng watawat noong Nobyembre 24, kung saan ipinaalala ng panauhing tagapagsalita na si Regional Director Atty. April Casabuena ng Department of Migrant Workers Region IV-A na ang isyu ng pang-aabuso sa mga kababaihan ay hindi lamang usapin ng tungkol sa mga babae, kundi usapin ng karapatang pantao. Lumalim pa ang kaalaman ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa kanilang pagdalo sa serye ng mga seminar. Isa na rito ay ang “Breaking Silence, Building Safe Spaces” seminar na ginanap noong Nobyembre 27 sa Children and Youth Development Center. Ipinaliwanag ni Prof. King David Agreda, MIT sa 83 kawani ang mga nilalaman ng Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act at Republic Act No. 7877 o Anti-Sexual Harassment Act. Ang mga batas na Republic Act No. 8353 o Anti-Rape Law of 1997 at Anti-Trafficking in Persons Law naman ang tinalakay ni Prof. Agreda sa 57 Gender and Development (GAD) focal persons sa “Breaking Chains, Protecting Dignity: Enforcing RA8353 Anti-TIP Law in the Campaign to End VAW” noong Disyembre 2, sa Wellness Center, New Imus City Government Center. Samantala, 30 Local Committee on Anti-Trafficking (LCAT) and VAW and their Children at 97 Barangay Desk Officers Association (VAWCDOA) ang natutunan kung paano nabibigyang proteksyon napoprotektahan ng Anti-Trafficking in Persons Law ang mga kababaihan at kanilang anak mula sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials na ginanap noong Disyembre 9. Bago magtapos ang 18 araw na kampanya, nagpulong ang Kalalakihan Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya (KATROPA) sa seminar na “Katuwang sa Pagbabago: Men Advocating for Safe & Empowered Communities” noong Disyembre 11, upang mapalakas pa ang kanilang papel bilang mga kakampi at tagapagtanggol ng mga kababaihan mula sa anumang uri ng pang-aabuso at karahasan.