Pormal na binigyang-pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang mga kabataang Imuseñong bukod-tangi ang naging kontribusyon sa Imus noong Disyembre 10, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government sa pamamagitan ng Outstanding Kabataan (OK) Awards 2025 ng Sangguniang Kabataan Federation Office. Kinikilala ng OK Awards ang mga kabataang nagpamalas ng kanilang natatanging talento na hatid ang postibong pagbabago sa lungsod na naka-angkla sa temang “Empowered Youth, Hope of Our City” (Lakas ng Kabataan, Pag-asa ng ating Lungsod). Ginawaran ang apat na pangkabataang organisasyon na kinabibilangan ng: Most Outstanding School Organization - Cavite Communicator ng Cavite State University - Imus Campus Most Outstanding Sangguniang Kabataan Council - Sangguniang Kabataan Malagasang II-B Most Outstanding Youth Program - Tech & Trade: Skills for Success ng JCI Imus Wagayway Youth Organization of the Year - Rotaract Club of Imus Pinarangalan naman ang anim na kabataan buhat ng kanilang mga natatanging tagumpay: Most Outstanding Youth Volunteer - Precious E. Doctore Most Outstanding Youth Leader - Mark Angelo Zamora Most Outstanding Aksyon Kabataan Leader of the Year - Genesis Caimol Most Outstanding Sangguniang Kabataan Member - Bea Maria Cosette E. Del Rosario Most Outstanding Sangguniang Kabataan Chairperson - Nicolas Emerson A. Morota Rising Young Entrepreneur of the Year - April Monique S. Manabat Samantala, nagbigay ng inspirasyunal na mensahe si National Youth Commission – CALABARZON Presidential Staff Officer I Mark Ryan Talajuron hinggil sa kahalagahan ng positibong pagbabago sa susunod na henerasyon ng bayan.