City of Imus

Mayor AA, dumalo sa pagpupulong ng Mayors for Good Governance



October



Dinaluhan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang General Assembly 2025 ng Mayors for Good Governance (M4GG) nitong Oktubre 24, 2025, na ginanap sa lungsod Quezon.

Kasama ni Mayor AA ang mahigit 120 alkalde sa usapin hinggil sa pagpapaigting ng laban kontra korapsyon at patuloy na pagsusulong ng mabuting pamamahala, kung saan lumagda rin sila sa ‘The Manifesto of Good Governance.’

Nakalatag ang planong pagtatatag ng isang sistema ng imbestigasyon at pag-uulat kaugnay ng mga pang-imprastrakturang proyekto ng pamahalaan na pangungunahan ng mamamayan kontra korapsyon sa pamamagitan ng isang Memorandum of Cooperation. Bahagi ng

kasunduang ito ang CBCP-CARITAS Philippines, ang Department of Public Works and Highways (DPWH), at Taongbayan’s Action for Participatory, Accountable and Transparent Governance (TAPAT).

Napag-alaman din ng mga alkalde ang good governance scorecard ng Catholic Advocates for Responsible Electorate (CARE), at ang blockchain tool ng Bayanichain Ventures para sa tapat at may pananagutan na paglilingkod sa bayan.

Ang M4GG ay samahan ng mga alkalde tungo sa mabuting pamamahala. Pinangungunahan ito nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Pasig City Mayor Vico Sotto, Baguio City Mayor Benjie Magalong, at Isabela City Mayor Sitti Hataman.