City of Imus

Infrastructure Audit sa mga gusali sa Imus, isinagawa ng Imus LGU



October



Sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang pag-inspeksyon sa mga gusali sa Lungsod ng Imus nitong Oktubre 17, 2025.

Bahagi ito ng pinaigting na paghahanda ng lokal na pamahalaan mula sa banta ng lindol matapos ang sunod-sunod na pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng bansa at sa inaasahang paggalaw ng West Valley Fault.

Kasama sa pag-inspeksyon ng mga pampublikong paaralan sa Imus ang Office of the City Disaster Risk Reduction and Management Officer (OCDRRMO), Office of the City Engineer (OCE), Office of the Building Official, Office of the City Planning and Development Coordinator, Department of Education – Schools Division Office Imus, at Department of the Interior and Local Government.

Nauna na ring ininspeksyon ng OCE at OCDRRMO ang Ospital ng Imus at ang City of Imus Dialysis Center noong Oktubre 15.

Nakatakda namang bisitahin ng lokal na pamahalaan ang iba pang mga ospital, mall, at establisyimento sa Imus upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan mula sa anumang banta ng sakuna sa mga ito.