Wagi ang Raha Cavite Volunteer Association Inc. ng Barangay Anabu II-A na makamit ang ikalawang puwesto sa barangay category ng 32nd Encounter Urban Fire Olympics ng Bureau of Fire Protection – CALABARZON noong Oktubre 2, 2025. Nagpakitang-gilas ang Raha Cavite sa kanilang husay sa pagsasagawa ng fire drills, rescue and transfer relay, fire extinguisher attack, bucket relay, ladder operation, at iba pang gawaing may kaugnayan sa pag-apula ng sunog. Ang Raha Cavite ang nag-iisang kinatawan ng lalawigan ng Cavite sa barangay category ng paligsahan. Suportado rin sila nina Provincial Cavite Fire Marshal FSSUPT Dennis A. Molo, MPSA, DSC, Imus City Fire Marshal FCINSP Hayceeline M. Obligar, at iba pang city at municipal fire marshals Cavite.