City of Imus

Mahigit 2,000 Imuseño naserbisyuhan sa AAksyon Caravan



October



Muling inilapit ng AAksyon Caravan ang mga pangunahing serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa mga Imuseño sa pagbisita nito sa City of Imus Sports Complex noong Oktubre 4, 2025.

Tinatayang mahigit 2,000 residente ng mga barangay Poblacion at Toclong ang nakatanggap ng libreng medikal at dental checkup, libreng legal assistance, late birth registration, at iba’t ibang panlipunang serbisyo para sa mga senior citizen, person with disability, solo parent, at mga Imuseñong higit na nangangailangan.

Dinala rin ng AAksyon Caravan ang Job Matching Activity para sa mga naghahanap ng trabaho. Nakasama rin muli ang tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula na nagdala ng libreng konsultasyon sa mata, reading glasses, at operasyon sa katarata.

Kinumusta at pinakinggan naman ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang mga saloobin ng mga residente.

Ang AAksyon Caravan ay bunga ng pagkakaisa ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan upang makapaghatid at mailapit ang mas mabilis at mas inklusibong serbisyo sa mga Imuseño. Tuloy-tuloy rin kada buwan ang pagbisita nito sa iba’t ibang barangay sa Imus.