Napuno ng mga ngiti at kasiyahan ang City of Imus Sports Complex sa pagdiriwang ng 580 nakatatandang Imuseño ng 2025 Linggo ng Katandaang Pilipino noong Oktubre 2, 2025. Bahagi ng pagtitipon sina Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan at Konsehal AJ Sapitan na nagpahayag ng suporta sa mga programa para sa mga nakatatanda. Nagpasiklaban ng talento ang senior citizens sa “Search for Mr. & Ms. Talent,” kung saan pinatunayan nina Teodorico Sayoc ng Barangay Medicion I-B at Elena Agos ng Barangay Buhay na Tubig ang kanilang kakayahan. Wagi naman sina Eduardo Jarabe at Miriam Espiritu ng Barangay Anabu II-B na maiuwi ang 2025 Mr. & Ms. Senior Citizen matapos sumabak sa paligsahang “Search for Mr. & Ms. Senior Citizen.” Ang Elderly Filipino Week ay ipinagdiriwang tuwing Oktubre 1–7, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 470, taong 1994, upang bigyang-papugay ang kontribusyon at kahalagahan ng mga nakatatandang Pilipino. Tema ngayong taon ang “Embracing Age: Living a Life with Dignity and Purpose.”