City of Imus

Reading Center ng Barangay Magdalo, binuksan



October



Paglinang sa kultura ng pagbabasa ang hangad ng Sangguniang Barangay ng Magdalo sa pagbubukas ng kanilang Barangay Reading Center noong Oktubre 1, 2025, katuwang ang Office of the City Mayor (OCM) – City of Imus Public Library (CIPL).

Nanguna sa pagpapasinaya sina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Punong Barangay Kaizer Jardin, City Librarian Rosena Roman, mga konsehal, at mga opisyal ng Barangay Magdalo.

Nagkaroon din ng maikling programa, kung saan aktibong nakilahok ang mga batang naninirahan sa Barangay Magadalo.

Maaaring magamit ang reading center para sa pagbabasa, paghiram ng aklat, paggamit ng libreng Wi-Fi, libreng pagpapa-print, at pagkatuto ng mga bata.

Bukas ito Lunes hanggang Biyernes, mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Naniniwala si Mayor AA na ang mga reading center sa mga barangay tulad nito ay makapagpapaunlad pa sa pagkakatutong magbasa ng mga batang Imuseño.