Binigyang-pagkilala ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation ng Imus at Local Youth Development Office (LYDO) sa ginanap na 3rd Cavite Gawad Pawid Awards nitong Setyembre 27, 2025, sa lungsod ng General Trias. Tinanggap ng SK Federation ng Imus, sa pangunguna ni SK Federation President Glian Ilagan ang SK Pederasyon Achievement Seal Award bunsod ng kanilang masigasig na pagpapatupad ng mga programang pangkabataan at maayos na ugnayan ng 97 barangay sa Imus. Nakuha naman ng LYDO ang Rank 2 Most Outstanding LYDO sa pamumuno ni Officer-in-Charge Jericho Reyes. Dahil ito sa mga programang pangkaunlaran na ipinatutupad ng nasabing tanggapan, sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang tanggapan. Ang SK Federation at LYDO ay patuloy na maghahatid ng mga programang mas susuporta sa pag-unlad ng mga kabataang Imuseño.