DepEd Regional Management Committee Meeting, ginanap sa Imus Pinaunlakan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang imbitasyon ng Department of Education (DepEd) CALABARZON sa pagdaraos ng Eight Regional Management Committee ng naturang kagawaran nitong Setyembre 16, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center. Sentro ng pagpupulong ng Schools Division Superintendents mula sa iba’t ibang lalawigan ang mga inobasyon ng DepEd pagdating sa information and communications technology (ICT). Natunghayan ni Mayor AA ang pagprisenta ng mga sistema at proyektong kinabibilangan ng: -Less Paper System upang mabawasan ang mga papel na ginagamit. -Project BOGS (Basic Operation and Guide to Supply Systems) para sa malinaw, episyente, at tapat na pagproseso ng mga suplay. -Project IRMS (Inventory Records Management System) na magsasaayos ng talaan ng mga kawani ng kagawaran. Ipinahayag din ng alkalde ang kanyang paghanga at patuloy na suporta sa mga programa at proyekto ng DepEd para sa mas maayos at magandang kinabukasan ng bawat mag-aaral tungo sa epektibong pagkakatuto.