City of Imus

Imus City Gunners: Unang panalo sa unang laro ng 2nd Cavite Football Cup



September 13



Naitala na ang unang panalo ng Imus City Gunners sa kanilang unang sipa sa pagsisimula ng Ikalawang Cavite Football Cup noong Setyembre 13, 2025, sa City of Imus Grandstand and Track Oval. Pinatunayan ng koponan ang kanilang pagkapanalo noong nakaraang taon matapos tambakan ang Indang Football Club sa puntos na 21-0. Sumabak din sa paligsahan ang Dasmariñas Monarchs at One Mind Trece kung saan wagi ang Dasmariñas sa puntos na anim – isa. Naungusan din ng Batang GenTri ang Aguinaldo Warriors ng Kawit matapos makapuntos ng anim na beses. Samantala, nakapuntos ng 11 ang Ciuded de Cavite sa kanilang laban kontra GMA Generals. Haharapin din ng Silang Football Club, Bacoor Football Club, at Naic Football Team ang mga koponan. Saksi sa pagbubukas sina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula at Cavite Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Chelsea Sarno na nagbigay rin ng mensahe ng suporta sa mga manlalaro. Ang Cavite Football Cup ay pinangungunahan ng Cavite SK Federation.