City of Imus

5th Cavite BNS General Assembly, idinaos sa Imus



September 10



Pinangunahan ng Provincial Nutrition Office, sa pakikipagtulungan sa Office of the City Health Officer ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, ang ikalimang general assembly ng mahigit 1,150 Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa Cavite noong Setyembre 10, 2025, na ginanap sa City of Imus Sports Complex.

Isa itong taunang pagtitipon ng mga BNS sa lalawigan para tumibay pa ang kanilang kaalaman at samahan.

Mas lumalim ang pagkabatid ng mga BNS sa kahalagahan ng kanilang papel para matiyak ang kalusugan ng mga bata sa talakayang pinangunahan ni Nutrition Officer II Kyla Guarda ng National Nutrition Council CALABARZON.

Bukod pa rito, tumibay ang samahan ng mga BNS sa pagpapamalas ng kanilang mga talento sa mga paligsahang kinabibilangan ng Cheerleading Competition, BNS Muse, at On-the-Spot Dance Contest.

Nakisaya rin sa pagtitipon sina Cavite Board Member Jasmin Angeli Maligaya-Bautista, Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, Acting City Administrator Larry Monzon bilang kinatawan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, at City Health Officer Dr. Ferdinand Mina.

Ang mga BNS ay mga health worker na dumaan sa pagsasanay upang maisulong pa ang mainam na nutrisyon sa mga nanay at kanilang mga anak.