Nagsama-sama ang 152 Imuseñong nanay para sa sabayang pagpapasuso sa “One Breastfeeding Philippines: Yakap Hakab” ng Office of the City Health Officer nitong Agosto 28, 2025, na ginanap sa Activity Area, SM Center Imus, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Breastfeeding Month. Bukod sa sabayang pagpapasuso, tinalakay nina Dr. Marco Aldrin Andaya, Dr. Francis Roy Sanares, Liberty Guzman, at Angela Bea Talabis ang mga pangunahing kaalaman patungkol sa wastong pagpapasuso, pagkain ng tamang nutrisyon, at mainam na pangangalaga sa kalusugan ng ina at sanggol. Nagbigay naman ng suporta sa mga dumalong nanay sina Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, Konsehal Enzo Asistio, Konsehal Yen Saquilayan, Konsehal Mark Villanueva, Gender and Development Unit Officer-in-Charge Doris Sagenes, City Information Officer Ervin Ace Navarette, at City Health Officer Dr. Ferdinand Mina, kasama sina Dr. Larni Topacio at Dr. Par-Andres. Ang buwan ng Agosto ay National Breastfeeding Awareness Month, alinsunod sa Batas Republika Blg. 10028, o “Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009.” Layon nitong malinang ang kamalayan sa kahalagahan ng pagpapasuso sa mga sanggol.