City of Imus

Mayor AA, dumalo sa 3 araw na training ng DILG Cavite



August 18-20



Lumalim pa ang kaalaman ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula at ng mga muling nahalal na mayor ng Cavite ukol sa mabuting pamamahala sa kanilang pagdalo sa tatlong araw na “Transformative Leadership of Elevated Governance: Refresher Course” training ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Cavite mula Agosto 18–20, 2025, sa Tagaytay City.

Bahagi ng talakayan ang Newly Elected Officials Performing Leadership for Uplifting Service (NEO PLUS) at ang pagpapalakas ng turismo sa Cavite sa pamamagitan ng mga programang mas makapaghihikayat sa mga turista na tuklasin at alamin ang yaman ng kultura at kasaysayan ng Cavite.

Kasama rin sa pagsasanay na ito sina Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, mga konsehal ng Imus, at mga bise-alkalde at konsehal sa iba pang mga siyudad sa Cavite. Dinaluhan din ito nina DILG CALABARZON Regional Director Ariel Iglesio, CESO III, Assistant Regional Director Darrell Dizon, at Cavite Provincial Governor Abeng Remulla.

Ang tagumpay ng naturang pagsasanay ay naging posible sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite at Cavite Vice Mayors’ League.