Opisyal na inihandog ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, ang bagong sasakyan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Imus City Jail Male Dormitory noong Setyembre 7, 2026, sa New Imus City Government Center, bilang bahagi ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa ahensya.
More Info
Mainit ang pagsalubong ng 2,000 residente ng Barangay Malagasang Dos kina Cavite Governor Abeng Remulla at Cavite Vice Governor Ram Revilla Bautista sa kanilang muling pagbisita sa Lungsod ng Imus noong Setyembre 3, 2026, para sa ‘Ugnayan sa Barangay.’
More Info
Ipinagdiwang ng Lungsod ng Imus ang ika-130 anibersaryo ng makasaysayang Labanan sa Imus sa Tulay Isabel noong Setyembre 3, 2026, sa pangunguna ng Office of the City Tourism and Heritage Officer (OCTHO), upang alalahanin ang kabayanihan ng Himagsikang Pilipinong na dinepensahan ang bayan ng Imus.
More Info
Opisyal nang inilunsad ng Office of the City Mayor – Public Employment Service Office, sa pangunguna ni Officer-in-Charge (OIC) Gng. Cecile Foz, ang Career Development Support Program (CDSP) noong Setyembre 2, 2026, sa Function Hall, New Imus City Government Center, upang magabayan ang bawat mag-aaral ng junior at senior high school sa pagpili ng karerang kanilang tatahakin.
More Info
Pormal nang isinailalim ang pangangalaga ng Imus Retarding Basin—isang proyekto para maiwasan ang mabilis na pagtaas ng tubig sa Ilog ng Imus na pinangunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Japan International Cooperation Agency (JICA) —sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Imus, noong Setyembre 1, 2026, na matatagpuan sa Palanas Road, Barangay Anabu I-G.
More Info