City of Imus
'

3,036 ECCD learners nagsipagtapos ngayong Marso


March


Pormal nang nagsipagtapos sa pre-school ang 3,036 early childhood care development learners nitong Marso 17–19, 2026, na ginanap sa City of Imus Sports Complex. Personal silang binigyang-pagbati ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula na ikinatuwa ang kanilang kasiglahan at determinasyon sa pag-aaral. Sinisiguro din ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang patuloy na pag-unlad ng kalidad ng edukasyon sa Imus, lalo na sa unang pitong taon ng mga bata na itinuturing na pinakamahalagang mga taon sa paghubog ng pagkatao ng mga ito.


3Rs Biggest Loser: Reduce, Recycle, and Reward Program ng Imus LGU para sa kalinisan


March


Opisyal na inilunsad ng Office of the City Environment and Natural Resources Officer (OCENRO) ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang 3Rs Biggest Loser: Reduce, Recycle, and Reward Program noong Marso 13, 2026, sa Brgy. Buhay na Tubig para mapanitili ang kalinisan ng Imus. Dinaluhan ito ng 150 Homeowners Association (HOA) officers na kumatawan sa 46 na subdivisions at napag-alaman ang mahahalagang kaalaman hinggil sa importansya ng pangangalaga sa kalikasan, tamang pagbubukod ng basura, solid waste management, at kooperasyon ng HOA at barangay sa tamang pagtatapon ng basura. Pinangunahan ang programa nina OCENRO Head Doris Sagenes, Nerea Defensor, at Daniel Calitis na ipinaliwanag ang alituntunin ng programa para mapaigting pa ang aktibong partisipasyon ng mga mamamayan.


Imus nanguna sa probinsya ng Cavite sa 2026 RAAM


March


Ibinandera ng 180 kabataang atleta ang pangalan ng Imus matapos makapag-uwi ng 71 medalya mula sa 2026 Regional Athletic Association Meet (RAAM) na ginanap noong Marso 7–14, 2026, sa Lungsod Batangas, kung saan nanguna ang Imus sa buong Cavite at pumang-anim sa rehiyon ng CALABARZON.

More Info


Showcasing of Skills: Talento at talino ng 201 estudyante ng CCI


March


Ipinagmalaki ng 201 mag-aaral ng City College of Imus (CCI) ang kanilang mga natutunang kasanayan sa ginanap na Showcasing of Skills noong Marso 13, 2026, sa City of Imus Sports Complex.

More Info


Imus LGU, nakiisa sa 1st Quarter NSED


March


Nakibahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong Marso 12, 2026. Layon nitong maihanda ang publiko sa banta ng lindol, lalo na’t bahagi ang bansa ng Pacific Ring of Fire, kung saan aktibong gumagalaw ang mga kalupaan o ang tectonic plates. Hangad ng lokal na pamahalaan na regular ding makiisa ang mamamayan sa pagsasagawa ng earthquake drills.


67th Public Library Day: Pagpapalakas ng kultura ng pagbabasa sa Imus


March


Pagbibigay-lakas sa kultura ng pagbabasa ang naging sentro ng pagdiriwang ng 67th Public Library Day ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, pinangunahan ng City of Imus Public Library, noong Marso 12, 2026, na ginanap sa Function Hall, New Imus City Government Center. Ibinahagi nina Librarian II Vida Dorea P. Mendoza, namumuno sa Library Establishment and Affiliation ng National Library of the Philippines, at Executive Assistant IV Eduardo Manicio, kinatawan ni Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, sa 47 opisyal ng mga barangay ang kanilang kaalaman patungkol sa kahalagahan ng mga pampublikong aklatan sa paglinang at pangangalaga sa kultura ng pagbabasa sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Barangay Reading Centers. Layon din ng pagdiriwang na bigyang-diin ang kahalagahan ng mga pampublikong aklatan sa pakikiisa sa pamamahala at sa pagkatuto ng mamamayan.


800 alagang aso’t pusa, naserbisyuhan ngayong Rabies Awareness Month 2026


March


Dumagsa ang fur parents kasama ang kanilang mga alagang aso at pusa sa isinagawang Veterinary Medical Mission ng Office of the City Veterinarian noong Marso 11, 2026, sa Brgy. Magdalo, bilang bahagi ng Rabies Awareness Month.

More Info


Libreng Sakay, pagtitipid sa enerhiya ipinatupad ng Imus LGU


March


Simula nang mas tumindi ang tensyon sa Gitnang Silangan, iba’t ibang mga hakbang ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ngayong Marso 2026 upang maibsan ang konsumo at mapangalagaan ang suplay ng produktong petrolyo sa bansa, gayundin ang matulungan ang mga Imuseño sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

More Info


Bagong miyembro ng SAMAKA, nanumpa kay Mayor AA


March


Nanumpa sa harap ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang mga bagong miyembro ng Samahan ng mga Kagawad (SAMAKA) sa Imus noong Marso 9, 2026, sa Office of the City Mayor, New Imus City Government Center. Para sa alkalde, ang kanilang panunumpa ay sumisimbolo sa kanilang pangakong maghahatid ng tapat at makatarungang mga serbisyo sa mga Imuseño. Sinisiguro din ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang maayos na pakikipagtulungan nito sa mga Sangguniang Barangay para makapaghatid ng serbisyong maaasahan ng buong komunidad ng Imus .