Mahigit 800 Imuseño ang nakiisa sa isinagawang Cityhood Mega Job Fair ng City of Imus Public Employment Service Office (PESO), sa pangunguna ni Officer-in-Charge Cecile Foz, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-14 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Imus nitong Hunyo 30, 2026, sa The District Imus.
More Info
Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa selebrasyon ng Philippine Arbor Day nitong Hunyo 25, 2026, sa Barangay Anabu I-G, sa pangunguna ng Office of the City Environment and Natural Resources Officer (OCENRO) Gng. Dorotea Sagenes,
More Info
Bilang tugon sa kakulangan sa maayos na palikuran, dalawang bagong palikuran ang inihandog ng Pamahalaang Lungsod ng Imus para sa mga mag-aaral ng Imus National High School (INHS) nitong Hunyo 23, 2026.
More Info
Pormal na ipinagkaloob ng Maynilad Water Services, Inc. sa Pamahalaang Lungsod ng Imus ang 16 na drinking fountain nitong Hunyo 23, 2026, sa Imus National High School (INHS) na handog ng Maynilad para magkaroon ng libreng malinis na inuming tubig ang mga mag-aaral sa naturang paaralan.
More Info
Pormal na kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Imus nitong Hunyo 22, 2026, sa New Imus City Government Center ang 34 na atleta at coach na nagkamit ng na kahanga-hangang tagumpay sa ginanap na 2026 Palarong Pambansa noong Mayo 24–31, sa Agusan del Sur.
More Info
Kabilang ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa mga nakapasa sa 2025 Good Financial Housekeeping na inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – Cavite noong Hunyo 13, 2026.
More Info
Kinilala ang Pamahalaang Lungsod ng Imus bilang Top Three Fastest Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) for Renewal of Business Permits at Top Eight Fastest eBOSS for New Application of Business Permits sa ginanap na Anniversary Month Culmination ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) noong Hunyo 1, 2026, sa Lungsod Quezon.
More Info
Pundasyon ng pag-unlad, kasalukuyang kaunlaran, at pagtanaw sa kinabukasan ang sentro ng pagdiriwang ng ika-14 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Imus nitong Hunyo 30, 2026, sa pagbubukas ng isang natatanging eksibit sa bagong tahanan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus: ang New Imus City Government Center.
More Info
Nailapit ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang mga pangunahing serbisyong panlipunan nito sa 3,893 Imuseñong residente ng Cluster Six, sa pamamagitan ng Aaksyon Caravan, nitong Hunyo 20, 2026, sa Kapatiran Village Basketball Court, Barangay Pasong Buaya II.
More Info
Nakibahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) nitong Hunyo 18, 2026, alas-nuwebe ng umaga.
Layunin nitong maihanda ang publiko sa banta ng lindol, lalo na’t bahagi ang bansa ng Pacific Ring of Fire, kung saan aktibong gumagalaw ang mga kalupaan o ang tectonic plates.
Mahalaga rin ang pakikiisa sa earthquake drills ng mga establisimyento at kabahayan upang masanay sa mga dapat gawin sakaling lumindol.
View this article on Facebook
Ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa 15,000 pampublikong mag-aaral ng Grade One at Grade Four ang kanilang bagong bag at kagamitan noong Hunyo 16, 2026, sa Lungsod ng Imus, Cavite.
More Info
Mula sa huling pagpupugay sa mga lumang watawat hanggang sa paggunita sa Araw ng Kalayaan, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng serye ng mga seremonya upang magbigay-pugay sa kasaysayan at pag-alabin ang diwang makabayan ng mga Pilipino noong Hunyo 11–12, 2026, sa Dambana ng Pambansang Watawat, Imus Heritage Park na pinangunahan ng Office of the City Tourism and Heritage Officer (OCTHO).
More Info
Sa pakikipagtulungan sa Aksyon Center ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A ng fuel subsidy para sa mahigit 1,600 rehistradong Transportation Network Vehicle Service (TNVS) riders sa lungsod noong Hunyo 10, 2026, sa Malagasang I-G Covered Court.
Sa pamamagitan nito, nakatanggap ang TNVS riders ng pinansyal na tulong upang kahit paano ay makatulong sa kanilang gastusin sa araw-araw na pamamasada.
Muli ring nagpaalala ang DSWD na tanging rehistradong riders lamang ang mabibigyan ng subsidiya.
View this article on Facebook
Inalala ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ng Office of the City Tourism and Heritage Officer (OCTHO), ang Ika-140 anibersaryo ng kapanganakan ng Imuseñong si Francisca Tirona Benitez noong Hunyo 4, 2026, sa Imus Pilot Elementary School.
More Info