Umabot sa 3,993 residente ng Cluster Two ang nakinabang sa mga pangunahing serbisyong panlipunan na inilapit ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pamamagitan ng Aaksyon Caravan sa Palazzo Belo II, Barangay Carsadang Bago II nitong Hulyo 18, 2026.
More Info
Nag-umpisa nang paliparin ang bola ng mga Imuseñong pambato sa larong softball sa ikatlong taon ng Imus City Invitational Softball Tournament noong Hulyo 11, 2026, sa City of Imus Grandstand and Track Oval.
More Info
Umabot sa kabuuang 166 na alagang hayop ang kinapon sa isinagawang Quick Spay and Castration Training Program ng Office of the City Veterinarian sa pangunguna ni City Veterinarian Dr. Maribel Depayso-Reyes, katuwang ang Small Animal Practitioner Association of the Philippines Inc. (SAPAPI) at City Veterinary Office ng Lungsod ng San Jose Del Monte, noong Hulyo 15–16, 2026, sa Child Youth Development Center, Imus Pilot.
More Info
isinulat ni Joshua Beso
Nakatanggap ng Balik Eskwela Kits mula sa One Meralco Foundation, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Imus, ang 80 day care students sa Villa Susana Day Care at Little Finger Day Care sa Brgy. Malagasang II-A noong Hulyo 15, 2026, bilang bahagi ng kanilang taunang programang pang-edukasyon.
Dumalo rin sa nasabing pamamahagi si Local Youth Development Officer Jericho Reyes, bilang suporta sa programa ng pamamahagi sa mga day care students.
Ang Balik Eskwela Program ng Meralco Foundation ay naglalayong magbigay ng school supplies at learning kits sa mga mag-aaral upang matulungan at maengganyo sila sa pagbabalik-eskwela.
View this article on Facebook
Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang sorpresang drug testing sa mga kawani nito noong Hulyo 7, 2026, na ginanap sa Function Hall, New Imus City Government Center.
More Info
Tagumpay ang Buhay na Tubig na masungkit ang kampeonato sa championship game ng Fourth Congressman AJ Cup Inter-Mother Barangay Basketball Tournament nitong Hulyo 2, 2026, sa City of Imus Sports Complex.
More Info
Sa pagsisimula ng National Disaster Resilience Month, matagumpay na isinagawa ang Imus Resilience Walk Challenge 2026 na nagsimula sa NIA Road patungong City of Imus Grandstand and Track Oval noong Hulyo 1, 2026.
More Info