Personal na kinumusta ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang Health Centers at ang mga Imuseñong nagpapakonsulta rito noong Pebrero 13, 2026. Hatid din ng alkalde sa kanyang pagbisita ang gamot para sa maintenance ng high blood, diabetes, at cholesterol, gayundin ang antibiotic at paracetamol at mga bitamina para sa mga bata at senior citizens. Ayon pa kay Mayor AA, patuloy niyang isusulong ang mas mabuting serbisyong medikal sa mga barangay para sa ikagaganda ng kalusugan ng bawat Imuseño.
Naghandog ng prosthetic leg si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa isang Imuseño na si Tatay Virgilio Latoja, 56 na taong gulang mula sa Barangay Bucandala V, noong Pebrero 9, 2026, sa Office of the City Mayor, New Imus City Government Center. Hangad ng alkalde na mas marami pang Imuseñong hirap lumakad ang mabigyan ng pagkakataong makapagsimula muli sa pamamagitan ng pagkakaloob ng prosthetic legs.
Kinumusta ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang masusugid at masisipag na miyembro ng Bantay Kalikasan, River Rangers, at eco-aides nitong Pebrero 19, 2026, sa Function Hall, New Imus City Government Center upang personal silang pasalamatan sa walang-kapaguran nilang pagpapanatili ng kalinisan sa Imus. Pinakinggan din ng alkalde ang mga hinaing at suhestyon ng mga kawani upang mapagaan ang kanilang trabaho at mabigyang kasiguruhan ang kanilang kaligtasan habang nagpapanitili ng kalinisan. Ipinahayag naman ni Mayor AA ang kanyang paghanga sa kanilang tapat na pagseserbisyo sa bayan.
Kinilala si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula para sa kanyang Relentless Leadership of the Local Chief Executive and the Local School Board (LSB) in Education Governance ng Synergeia Foundation sa ginanap na National Education Summit 2026 noong Pebrero 18–19, sa Lungsod Pasay. Ang parangal ay iginawad bilang pagkilala sa masigasig na pamumuno ng local chief executives sa kaniya-kaniyang LSB para sa patuloy na pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon, kabilang na si Mayor AA. Ang pagkilalang ito ay patunay sa patuloy na dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Imus.
Buhay na buhay ang sining at kulturang Imuseño sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Sining 2026 ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ngayong Pebrero 2026.
Umani ng pagkilala at paghanga ang likha ng mga Imuseñong alagad ng sining sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad na kanilang nilahukan sa pangunguna ng Office of the City Tourism and Heritage Officer (OCTHO).
More Info
Muling inilapit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite ang libreng medikal at dental na konsultasyon para naman matiyak ang magandang kalusugan ng mga residente ng mga barangay Palico nitong Pebrero 24, 2026, sa Palico II Covered Court. Nabigyan din ng libreng gamot at nabunutan ng ngipin ang mga Imuseñong lumahok. Patuloy ang pag-iikot ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite para maihatid ang medikal at dental na serbisyo sa mga Imuseño, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Imus.
Isa si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa 149 na punong lungsod na lumagda sa Memorandum of Agreement, kasama ang Department of Education, para sa Nationwide Classroom Building Program na bahagi ng programang “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” nitong Pebrero 23, 2026, na ginanap sa Malacañang Palace. Layon ng naturang inisyatiba na mapabilis ang pagtatayo ng dekalidad na mga silid-aralan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund upang mapunan ang kakulangang 144,758 silid-aralan. Sinisiguro ni Mayor AA ang epektibong pagpapatupad ng programa, lalo na’t tatlong malalaking paaralan na ang naipatayo ng kanyang administrasyon sa loob ng tatlong taon. Nakasama rin ng mga alkalde si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Senador Bam Aquino, at Education Secretary Sonny Angara.
Binasbasan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang tatlong pinakabagong rescue vehicles at dalawang bagong logistics support vehicles nitong Pebrero 23, 2026, sa New Imus City Government Center.
More Info
Iba’t ibang serbisyo ang naihatid sa 2,172 Imuseño sa muling pag-arangkada ng Aaksyon Caravan nitong Pebrero 21, 2026, sa Alapan I Elementary School.
More Info
Pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang pinakabagong parke para sa mga Imuseño, ang City of Imus Park – Maharlika, nitong Pebrero 16, 2026, sa pangunguna ng Office of the City Tourism and Heritage Officer.
More Info
Nangibabaw ang pagmamahalan sa Imus ngayong Pebrero 2026 sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan ng pagpapahayag ng pag-ibig, bilang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Puso.
More Info
Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang World Read Aloud Day (WRAD) 2026 sa pamamagitan ng pagdala nito sa 129 na Grade Four hanggang Grade Six na mga mag-aaral ng Toclong Elementary School noong Pebrero 4, 2026. Layon ng City of Imus Public Library (CIPL) na maitaguyod pa ang kultura ng pagbabasa at palakasin ang kasanayan ng mga bata sa pakikinig at pag-unawa ng mga kuwentong kanilang nababasa at naririnig. Nanguna sa pagsasalaysay sina Hannah Mae L. Canillas at Jenielyn A. Sadang ng mga kuwentong pambata na “Ang Kuya Kong Zombie” na isinulat ni Luis Gatmaitan at “Ang Kuwento ni Higad, Suso at Langgam” sa panunulat ni Bella Cotoner Tan. Nagbigay-pagbati rin sa mga mag-aaral sina City Administrator Lauro Monzon at City Librarian Rosena Roman. Taunang nakikiisa sa pagdiriwang ng WRAD ang CIPL upang maisulong ang karunungang bumasa’t sumulat bilang pundasyon ng karapatang-pantao ng mga bata sa kasagsagan ng makabagong teknolohiya, higit ang artificial intelligence.