Nakamit ng 125 benepisyaryo ang ngiting panalo sa libreng pustisong handog ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, katuwang ang Office of the City Health Officer, noong Setyembre 15, 2025, sa Office of the City Health Officer VI, Brgy. Buhay na Tubig. Ang mga Imuseñong wala nang buong ngipin ay maaari ding makatanggap ng libreng pustiso sa pamamagitan ng pagdadala ng kopya ng kanilang valid I.D., na may nakalagay na Imus address, sa pinakamalapit na health center o kaya ay sa tanggapan ni Cong. AJ sa Third Floor, New Imus City Government Center, Imus Boulevard, Brgy. Malagasang I-G. Hangad ng kongresista na makatulong ang libreng pustiso sa mga nangangailangang Imuseño upang maibalik ang kanilang kompiyansa sa sarili para sa mas masayang pamumuhay.
Nanguna sa mga pagpupulong ng iba’t ibang komite at lupon si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ngayong Setyembre 2025.
More Info
Sa pamamagitan ng mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakapaghatid ng tulong ang Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula sa 3,625 Imuseño sa buong buwan ng Setyembre 2025.
More Info
Lubos na pinaghandaan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang posibleng epekto ng mga bagyong Nando at Opong nitong Setyembre 2025. Upang masigurong agarang makareresponde ang lokal na pamahalaan sa oras ng sakuna, pinangunahan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) meeting ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) noong Setyembre 19 at 25. Pinag-usapan dito ang direksyong maaaring tahakin ng mga bagyo, maagang pagbibigay-babala sa mga residente, at maagap na paghahanda sa evacuation centers at relief operations. Nanguna rin ang alkalde sa paglilinis ng mga kanal sa mga barangay na maaaring lubhang maapektuhan ng bagyong Nando noong Setyembre 20, kasama ang Engineering Action Team, Office of the City Environment and Natural Resources Officer, at Office of the City Disaster Risk Reduction and Management Officer. Nagsisikap din ang Pamahalaang Lungsod ng Imus na mapaigting pa ang pagiging handa nito at ng mga Imuseño sa anumang sakuna sa hinaharap.
Muling kinilala ang Barangay Magdalo bilang Rank One sa 2025 Trailblazers for Outstanding Performance of Barangay Tanods (Top Barangay Tanods) Provincial Assessment and Validation ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Cavite nitong Setyembre 23, 2025. Sa ikatlong taon ng kanilang pangunguna, nakatanggap ang Brgy. Magdalo ng overall performance rating na 99.8. Natanggap din ng isa sa mga barangay tanod na si Joey Garbin ang Rank One sa Individual Category matapos bigyan ng 98.8 performance rating. Nakatakdang irepresenta ng Brgy. Magdalo ang Cavite sa Trailblazers for Outstanding Performance of Barangay Tanod – CALABARZON Regional Assessment.
Binigyang-pagkilala ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation ng Imus at Local Youth Development Office (LYDO) sa ginanap na 3rd Cavite Gawad Pawid Awards nitong Setyembre 27, 2025, sa lungsod ng General Trias.
More Info
Hinirang bilang finalist ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa 2025 Most Business-Friendly Local Government Unit (LGU) Awards - City Level 2 (1st-2nd Class Component Cities) ng Philippine Chamber of Commerce and Industry. Isang patunay sa patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan, sa pamumuno ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, na mapadali ang pagnenegosyo at pamumuhunan sa Imus. Ang Office of the Local Economic Development and Investment Promotions Officer (LEDIPO) ang nanguna upang makamit ng Imus ang naturang pagkilala.
Ginunita ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, ang Ika-125 anibersaryo ng kapanganakan ni Jose Topacio Nueno sa pagpapasinaya ng kanyang bantayog sa Imus Pilot Elementary School nitong Setyembre 30, 2025.
More Info
Sa pakikipagtulungan ng Office of the City Environment and Natural Resources Officer (OCENRO) sa Imus Bureau of Jail Management and Penology at Sangguniang Barangay ng Anabu I-G, isinagawa ang paglilinis sa bahagi ng Ilog ng Imus na nasa Ragatan, Brgy. Anabu I-G nitong Setyembre 20, 2025. Isa itong pamamaraan upang makibahagi sa pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Day at World Cleanup Day na taunang ginugunita para maitaas ang kamalayan ng publiko sa masamang epekto ng plastik sa kapaligiran at kalusugan. Nakuha ng grupo ang mga basura at sanga ng punong naipon sa ilog. Bukod pa rito, araw-araw ding naglilinis ng mga kailugan ang river rangers ng naturang tanggapan.
Malikhaing paglaban kontra ilegal na droga ang ibinahagi sa mahigit 100 junior at senior high school students mula sa siyam na paaralan sa Imus sa paglunsad ng “CinemaKabata: Filmmaking Workshop and Orientation on Illegal Drug Use” nitong Setyembre 18–19, 2025, sa Children and Youth Development Center, Imus Pilot Elementary School.
More Info
Pinaunlakan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang imbitasyon ng Department of Education (DepEd) CALABARZON sa pagdaraos ng Eight Regional Management Committee ng naturang kagawaran nitong Setyembre 16, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center.
More Info
Naitala na ang unang panalo ng Imus City Gunners sa kanilang unang sipa sa pagsisimula ng Ikalawang Cavite Football Cup noong Setyembre 13, 2025, sa City of Imus Grandstand and Track Oval.
More Info
Pinangunahan ng Provincial Nutrition Office, sa pakikipagtulungan sa Office of the City Health Officer ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, ang ikalimang general assembly ng mahigit 1,150 Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa Cavite noong Setyembre 10, 2025, na ginanap sa City of Imus Sports Complex.
More Info
Ganap nang sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang pagbabakuna sa mga pampublikong paaralan sa Imus noong Setyembre 12, 2025, sa Imus Pilot Elementary School.
More Info
Sinubok ang kaalaman ng Imuseño Grade 10 students sa idinaos na 2025 Koop Quiz Bee: “AAsenso ang May Alam” ng Office of the City Cooperatives Development Officer (OCCDO) noong Setyembre 10, 2025, sa New Imus City Government Center.
More Info
Personal na kinumusta ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang child learners ng day care center sa barangay Buhay na Tubig sa pag-umpisa ng 15th Cycle Supplementary Feeding Program (SFP) ng Office of the City Social Welfare and Development Officer noong Setyembre 8, 2025. Sa pamamagitan nito, nasisigurong masustansya ang mga kinakain ng mga batang nasa tatlo hanggang limang taong gulang na nag-aaral sa Child Development Centers (CDC). Ang SFP ay isasagawa sa loob ng 120 araw sa 88 CDC sa Imus, kung saan makatatanggap ng mainit at masustansyang pagkain ang mga bata, alinsunod na rin sa Batas Republika Blg. 11037, o “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act.”
Sa layuning mailapit sa mga Imuseño ang mga pangunahing serbisyo, inilunsad ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang programang AAksyon Caravan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus nitong Setyembre 8, 2025, sa Barcelona III Covered Court, Brgy. Buhay na Tubig.
More Info
Kaalaman patungkol sa wastong pamamalakad ng negosyo at tamang paghawak ng pera ang sentro ng usapin sa Ikalawang Imus City Financial Expo at Business Check 2.0 ng Pamahalaang Lungsod ng Imus noong Setyembre 4–5, 2025, na ginanap sa Robinsons Imus.
More Info
Inalala ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang kabayanihan ng Rebolusyonaryong Pilipino sa Ika-129 na anibersaryo ng Labanan sa Imus noong Setyembre 3, 2025. Pinangunahan ng Office of the City Tourism and Heritage Officer ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng Labanan sa Imus sa Brgy. Poblacion I-A at sa panandang pangkasaysayan ni Kor. Jose S. Tagle sa Brgy. Bayan Luma III. Si Kor. Tagle ang isa sa mga naging susi ng Himagsikan sa naganap na labanan na nagsimula noong Setyembre 1 at natapos noong Setyembre 3, 1896, sa pamumuno ni Hen. Emilio Aguinaldo. Naging mitsa ang Labanan sa Imus upang tuluyang mapagtagumpayan ng Rebolusyonaryong Pilipino ang kasarinlan ng Pilipinas.