City of Imus

“Kuwentuhan sa Mall Plaza. . . Mga Bata, Tara Na!” inilunsad sa SM Center Imus


October


Sa kauna-unahang pagkakataon, idinaos ng City of Imus Public Library (CIPL) ang “Kuwentuhan sa Mall Plaza. . . Mga Bata, Tara Na!” nitong Oktubre 29, 2025, na ginanap sa SM Center Imus. Napabilib ang 144 na batang Imuseño sa makulay at makabuluhang kuwento ng dalawang pamilya sa Barrio Musiko sa kuwentong “Boom! Bang! Clang!” na isinulat ni Maloi Malibiran-Salumbides at isinalaysay ni Jhomar Sanchez. Natutunan ng mga bata ang kahalagahan ng pakikinig, pagiging maunawain, at pagpapakumbaba sa oras ng hindi pagkakasundo. Ang “Kuwentuhan sa Mall Plaza. . . Mga Bata, Tara Na!” ay bahagi ng programang “Kuwentuhan na sa Plaza. . . Mga Bata, Tara Na! ng CIPL. Layon nitong mahubog ang pagmamahal sa pagbabasa at matutunan ng mga batang edad lima hanggag 12 taon ang kagandahang asal mula sa mga pinakinggan at binasang mga kuwento.


Mga opisyal ng barangay, sumailalim sa surprise drug testing


October


Nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ng Peace and Order and Public Safety (POPS) Office, ng surprise drug testing sa mga opisyal ng 97 barangay nitong Oktubre 28, 2025, sa City of Imus Sports Complex. Bahagi ito ng layunin ng lokal na pamahalaan na masiguro ang malinis, tapat, at ligtas na paglilingkod ng mga opisyal sa kani-kanilang barangay. Katuwang sa aktibidad na ito ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Imus Pulis, Office of the City Engineer (OCE), Office of the City General Services Officer (OGSO), Logistics Team ng Office of the City Mayor, at City Information Technology and Records Management Unit.


Imus LYDO, hinirang na Most Outstanding LYDO sa Philippine SK Awards 2025


October


Malugod na tinanggap ng City of Imus Local Youth Development Office (LYDO) ang pagkilala bilang Most Outstanding LYDO sa kategoryang Component Cities and Municipalities sa idinaos na The Philippine Sangguniang Kabataan (SK) Awards 2025 nitong Oktubre 26, 2025, sa lungsod Quezon. Kinikilala ng parangal na ito ang mga programa at proyekto ng Imus LYDO para sa pagpapaunlad at pagpapalakas ng mga kabataang Imuseño, alinsunod sa Positive Youth Development Framework, Philippine Youth Development Plan, at Ambisyon Natin 2040 ng pamahalaan. Sinasalamin din nito ang husay ng Imus LYDO sa paghubog ng mga kabataang magsusulong ng positibong pagbabago sa lipunan sa hinaharap.


Mayor AA, dumalo sa pagpupulong ng Mayors for Good Governance


October


Dinaluhan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang General Assembly 2025 ng Mayors for Good Governance (M4GG) nitong Oktubre 24, 2025, na ginanap sa lungsod Quezon.

More Info


Imus Cooperative Week 2025: Pagkilala sa mga kooperatiba sa Imus


October


Binigyang-pugay ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang galing ng mga kooperatiba sa taunang Imus Galing Koop Awards and Recognition Day sa pagtatapos ng Imus Cooperative Week nitong Oktubre 23, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center.

More Info


Road Safety Awareness Program para sa junior high school students, inilunsad


October


Sinimulan ng City of Imus Traffic Management Unit (CITMU) ang pagbabahagi ng kaalaman sa junior high school students sa Imus patungkol sa matalino at ligtas na paggamit ng kalsada sa programang Road Safety Awareness nitong Oktubre 21, 2025, sa General Emilio Aguinaldo National High School (GEANHS).

More Info


Special Citation Award para sa RCEF Seed and Extension Programme, iginawad sa Imus LGU


October


Pinarangalan ang Office of the City Agriculturist ng Special Citation Award bilang pagkilala sa epektibo at maayos nitong pagpapatupad ng Rice Competitiveness Fund (RCEF) – Seed and Extension Programme para sa 2024 Wet Season at 2025 Dry Season ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) noong Oktubre 8, 2025. Layunin ng RCEF – Seed Extension Programme na tulungan at suportahan ang mga lokal na magsasaka sa pagtatanim ng palay tungo sa masaganang ani. Patuloy rin ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagkakaloob ng suporta sa mga magsasakang Imuseño.


First in Cavite: Libreng chemotherapy sa mga Imuseño sa pagbubukas ng Imus Chemotherapy Center


October


Sa kauna-unahang pagkakataon, libre na ang chemotherapy para sa mga Imuseño sa pagbubukas ng Imus Chemotherapy Center nitong Oktubre 20, 2025, sa Ospital ng Imus Compound, Pedro Reyes St., Malagasang I-G.

More Info


First in the Philippines: ‘ASICS META: Time: Trials’ ginanap sa Imus


October


Mahigit tatlong libong mananakbo ang sumugod sa ulan at sinubok ang kanilang kakayahang takbuhin ang distansyang 10km sa kauna-unahang ASICS META: Time: Trials (MTT) Philippines nitong Oktubre 19, 2025, na ginanap sa Vermosa, Lungsod ng Imus, Cavite. Ang sampung pinakamabilis na mananakbo sa kategorya ng mga kalalakihan at kababaihan ay nag-uwi ng cash prize mula sampung libo hanggang isang daang libong piso. Unang nakarating sa finish line si Kelvin Kiplagat para sa kategorya ng kalalakihan habang si Artjoy Torregosa ang unang babaeng natapos ang takbuhan. Ang pagsasagawa ng kauna-unahang ASICS MTT Philippines sa Imus ay patunay sa kaunlaran ng lungsod at sa kakayahan nitong magdaos ng mga pandaigdigang kaganapan.


Infrastructure Audit sa mga gusali sa Imus, isinagawa ng Imus LGU


October


Sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang pag-inspeksyon sa mga gusali sa Lungsod ng Imus nitong Oktubre 17, 2025.

More Info


AAngat Residences: Kauna-unahang paupahang pabahay ng Imus LGU


October


Ganap nang pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, ang kauna-unahang paupahang pabahay nito na AAngat Residences, matatagpuan sa Green Estate Subdivision, Barangay Malagasang I-F.

More Info


Mayor AA, muling naggawad ng prosthetic legs


October


Muling nagkaloob ng prosthetic legs si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa dalawang Imuseño nitong Oktubre 13, 2025, sa pagbisita nila sa tanggapan ng Punong Lungsod. Tinanggap nina Nanay Rebecca Romblon mula sa Barangay Carsadang Bago II at Nanay Grace Gime mula sa Barangay Bucandala II ang kanilang bagong prosthetic legs. Hangad ni Mayor AA na sa pamamagitan ng kanilang prosthetic leg ay madagdagan ang kanilang kumpiyansa sa sarili at katatagan sa buhay.


Karakol ng Imus 2025: Ika-45 Karakol ng Diyosesis ng Imus


October


Makulay, mapayapa, at masaya ang pagdiriwang ng Kapistahan ni Nuestra Señora del Pilar, o magiliw na tinatawag ng mga Imuseño na “Nana Pilar,” sa pagdaraos ng ika-45 karakol nitong Oktubre 11, 2025, isang araw bago ang ganap na kapistahan ng Patrona ng Diyosesis ng Imus.

More Info


Ika-7 taon ng Ospital ng Imus: Malasakit ang Ugat, Serbisyo’y AAngat!


October


Pasasalamat at katatagan ang naging sentro ng pagdiriwang ng Ospital ng Imus (ONI) noong Oktubre 10, 2025, sa ikapitong anibersaryo ng pagkakatatag nito.

More Info


Pagbisita ng Kadiwa ng Pangulo sa Imus City Plaza


October


Muling dumating ang Kadiwa ng Pangulo sa Lungsod ng Imus sa pagbubukas ng abot-kayang lokal na mga negosyo sa Imus City Plaza noong Oktubre 10, 2025. Nakapamili rito ng iba’t ibang produkto gaya ng bigas, sariwang karne, prutas, gulay, panghimagas, inumin, pampalasa, tinapay, kape, tsinelas, bayong bags, at mga produktong magagamit sa bahay ang mga mamimili. Bumisita rin dito sina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, mga konsehal, at City Agriculturist Robert Marges. Ang Kadiwa ng Pangulo ay ang flagship program ng pamahalaan na layong matulungan ang mga Pilipinong magkaroon ng maayos na kita at makapamili ng mga murang produkto.


Mayor AA, nahalal bilang Auditor ng League of Cities of the Philippines


October


Nanumpa bilang Auditor ng League of Cities of the Philippines (LCP) 2025–2028 National Executive Board si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa ginanap na Oath-taking Ceremony sa Malacañang Palace noong Oktubre 9, 2025. Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang naturang oath-taking. Ipinahayag ni Mayor AA ang kanyang patuloy na pakikipagtulungan sa mga pinuno ng lungsod upang maisulong pa ang iba’t ibang programa sa Imus.


Iba, Zambales bumisita sa Imus LGU


October


Malugod na sinalubong ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula si Mayor Irene Maniquiz-Binan at iba pang mga opisyal ng Iba, Zambales sa kanilang pagbisita sa New Imus City Government Center noong Oktubre 8, 2025. Inalam ng Pamahalaang Munisipalidad ng Iba ang pinakamahuhusay na kasanayan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus. Para kay Mayor AA, nakagagalak ang pagbisita ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa Imus upang maibahagi ang mga epektibo at pinakamahuhusay na kasanayan at mga karanasang mas magpapalawig ng kanilang kaalaman sa pamumuno.


Paggamit ng breathalyzer, ipinatupad na sa Imus


October


Sinimulan nang ipatupad ang paggamit ng breath analyzer o breathalyzer ng kapulisan at traffic enforcers sa kanilang pagbabantay sa mga lansangan ng Imus sa isinagawang pilot run noong Oktubre 9, 2025, sa Barangay Anabu II-C.

More Info


Imus LGU, pinangunahan ang seminar ng 60 BPLO sa Cavite


October


Nagsama-sama ang 60 miyembro ng Cavite Association of Business Permits and Licensing Officers (CABPLO) noong Oktubre 7, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center para sa pagsasagawa ng kanilang Capacity Building Seminar. Tinalakay ni Ronaldo Lacson kung paano mas mapabubuti ng mga BPLO ang pagseserbisyo sa mga negosyante, kabilang na ang pagpapahusay ng komunikasyon at pagtutulungan, paglutas sa mga problemang maaaring kaharapin, at pagpapalalim ng pamumuno sa bawat BPLO sa lalawigan. Sa pamamagitan ng mga capacity building tulad nito, mas napapahusay ang koordinasyon at serbisyo ng mga lokal na pamahalaan sa Cavite.


Brgy. Anabu II-A fire volunteers, 2nd Runner-up sa 32nd Encounter Urban Fire Olympics ng BFP CALABARZON


October


Wagi ang Raha Cavite Volunteer Association Inc. ng Barangay Anabu II-A na makamit ang ikalawang puwesto sa barangay category ng 32nd Encounter Urban Fire Olympics ng Bureau of Fire Protection – CALABARZON noong Oktubre 2, 2025.

More Info


Mahigit 2,000 Imuseño naserbisyuhan sa AAksyon Caravan


October


Muling inilapit ng AAksyon Caravan ang mga pangunahing serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa mga Imuseño sa pagbisita nito sa City of Imus Sports Complex noong Oktubre 4, 2025.

More Info


Highly Functional Rating muling nakuha ng Imus LGU


October


Sa ikalawang magkasunod na taon, nakatanggap ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng Highly Functional Rating sa Local Committee Against Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC) Functionality Assessment para sa taong 2024 matapos ianunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region IV-A noong Oktubre 2, 2025. Isa itong testamento sa pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na matuldukan ang human trafficking at karahasan sa mga kababaihan at kanilang anak. Kabilang ang Imus sa 94 na lokal na pamahalaan sa CALABARZON na binigyan ng Highly Functional Rating ng DILG.


580 Imuseño senior citizens, ipinagdiwang ang 2025 Elderly Filipino Week


October


Napuno ng mga ngiti at kasiyahan ang City of Imus Sports Complex sa pagdiriwang ng 580 nakatatandang Imuseño ng 2025 Linggo ng Katandaang Pilipino noong Oktubre 2, 2025.

More Info


Reading Center ng Barangay Magdalo, binuksan


October


Paglinang sa kultura ng pagbabasa ang hangad ng Sangguniang Barangay ng Magdalo sa pagbubukas ng kanilang Barangay Reading Center noong Oktubre 1, 2025, katuwang ang Office of the City Mayor (OCM) – City of Imus Public Library (CIPL).

More Info