Karapatan, kalusugan, karunungan, kaligtasan—ito ang sentro ng ipinaglaban at patuloy na ipinaglalaban ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ng City of Imus Council for the Protection of Children (CICPC), sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Bata ngayong Nobyembre 2025.
More Info
Nabigyan ng panibagong ngiti ang 136 na Imuseño sa handog na libreng pustiso ng tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, katuwang ang Office of the City Health Officer, nitong Nobyembre 28, 2025, sa Wellness Center, New Imus City Government Center.
Personal ding kinumusta nina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Cong. AJ ang mga benepisyaryo.
Tuloy-tuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Imus at ang tanggapan ni Cong. AJ sa pagbabahagi ng mga libreng pustiso sa mga Imuseñong higit na may pangangailangan nito.
Nasapul ng Imus City Gunners na madepensahan ang kampeonato sa Ikalawang Cavite Football Cup na ginanap nitong Nobyembre 29, 2025, sa City of Imus Grandstand and Track Oval. Sa kanilang sagupaan kontra Ciudad de Cavite, matagumpay na naipasok ng Imus ang tatlong goals habang dinedepensahan na makapagtala ng goal ang kalabang koponan. Ang tibay ng Imus City Gunners ay humantong sa kanilang muling pagkapanalo bilang kampeon. Nakapasok naman sa ikatlong puwesto ang Batang GenTri matapos makakuha ng tatlong puntos sa kanilang laban kontra Bacoor Football Team. Kahanga-hanga ang tapang, talino, at husay ng Imus City Gunners sa kanilang pagdepensa sa titulong pinakamagaling na football team sa Cavite.
Pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang pagbubukas ng Barangay Bucandala I Reading Center nitong Nobyembre 26, 2025, bilang bahagi ng layuning mahubog ang kasanayan sa pagbabasa at pagkatuto ng mga batang Imuseño.
More Info
Iginawad sa Office of the City Mayor (OCM) – Public Employment and Service Officer (OCM-PESO) ang Labor Market Linkage Champion Award at Global Opportunities Mobilization Award sa ginanap na "EmpowerPESO 2025: Capacity Enhancement Training and Workshop of Overseas Employment and Reintegration for PESO Managers" ng Department of Migrant Workers (DMW) Regional Office IV-A CALABARZON noong Nobyembre 21, 2025.
Ang pagkilala sa OCM – PESO ay bunga ng magatumpay na job fair activities na nag-uugnay sa mga Pilipino sa mga trabaho at oportunidad sa ibang bansa, gayundin ang pagkakaroon ng pinakamataas na bilang ng overseas job fair attendees sa rehiyon ng CALABARZON.
Sa pamamagitan ng Office of the City Tourism and Heritage Officer, nailapit sa 40 indibiduwal sa sektor ng turismo ang Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) Training Program ng Department of Tourism (DOT) nitong Nobyembre 21, 2025, na ginanap sa City of Imus Training Center, The District Imus.
More Info
Talakayan patungkol sa kapakanan ng mga sektor sa Imus ang naging sentro ng sunod-sunod na mga pagpupulong na dinaluhan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula nitong Nobyembre 11 – 26, 2025.
More Info
Sinalubong ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sina San Juan City Councilor James Yap at dating konsehal Paul Artadi sa kanilang pagsasagawa ng isang Basketball Workshop noong Nobyembre 15, 2025, sa City of Imus Sports Complex.
Ibinahagi ng mga beteranong basketball player ang kanilang kaalaman at karanasan sa paglalaro ng basketball sa mga kabataang atletang Imuseño upang mahasa pa ang kanilang talento.
Hangad ni Mayor AA na malinang pa ang kakayahan ng mga kabataang Imuseño pagdating sa sports, partikular na sa basketball.
Sa muling pag-arangkada ng AAksyon Caravan, inilapit ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang mga serbisyo nito sa mga residente ng Cluster Six noong Nobyembre 15, 2025.
More Info
Idinaos ang ikatlong taon ng Imus City Franchise Expo, kasama ang 24 na franchisors, noong Nobyembre 14, 2025, sa Ayala Malls Vermosa.
More Info
Iginawad sa Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Third Runner Up Infra Innovator Award sa PH Model Cities and Municipalities 2025 ng The Manila Times, katuwang ang Megaworld at P& Grant Thornton noong Nobyembre 14, 2025, sa Lungsod Maynila. Patunay ang naturang parangal sa mga pang-imprastrakturang inobasyon ng lokal na pamahalaan sa nakalipas na taon tulad ng pagpapatayo ng Central Police at Fire Stations, modernong overpass, at libreng sakay gamit ang electronic tricycle. Kinikilala ng PH Model Cities and Municipalities taon-taon ang mga natatanging tagumpay ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Nahalal si Board Member (BM) Ony Cantimbuhan bilang Vice Chairperson ng Provincial Board Members League of the Philippines (PBMLP) – CALABARZON sa ginanap na Ninth Regional Election of Officers and Convention noong Nobyembre 11, 2025, sa Parañaque City.
More Info
Tagumpay ang Imus City Arsenal Lady Spikers na makuha ang kauna-unahang kampeonato sa women's division ng First Cavite Provincial Inter-Town Volleyball Tournament noong Nobyembre 8, 2025, sa City of Dasmariñas Arena.
More Info
Buong puwersa ang mga naging paghahanda ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa banta ng Bagyong Uwan mula Nobyembre 7–10, 2025.
Agarang naganap ang pagpupulong ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, kung saan napag-usapan ang mga dapat paghandaan sa paparating na bagyo.
More Info
Isang makatotohanang earthquake drill ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pakikiisa nito sa Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong Nobyembre 6, 2025, sa New Imus City Government Center. Bukod sa mga kawani, nakibahagi rin ang mga kliyente ng lokal na pamahalaan sa naturang earthquake drill. Mas pinaigting din ngayong taon ang NSED upang mas mapaghandaan ang posibleng pagtama ng malakas na lindol.
Humigit-kumulang 900 Imuseñong mag-aaral ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng Binhing Advincula Educational Assistance Program noong Nobyembre 5, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center.
Personal din silang kinumusta nina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Imus City Vice Homer T. Saquilayan, at ng mga konsehal.
Ang Binhing Advincula Educational Assistance ay hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng Ikatlong Distrito ng Cavite para sa mga pampublikong mag-aaral mula high school hanggang kolehiyo.
Pag-alalay sa mga Imuseño ngayong Undas ang binigyang-pansin ng Pamahalaang Lungsod ng Imus mula Oktubre 28 – Nobyembre 2, 2025, sa pamamagitan ng programa nitong kAAlalay sa Undas 2025.
More Info