City of Imus

AAsenso Ka sa Buwis na Binayad Mo! Raffle Winners 2025


December


Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang raffle draw ng AAsenso Ka sa Buwis na Binayad Mo! 2025 nitong Disyembre 22, 2025, sa New Imus City Government Center. Nanguna sa raffle draw si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, kasama sina Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan at mga konsehal.

More Info


Handog Pasasalamat ngayong Pasko ng Imus LGU


December


Iba’t ibang paraan ng pasasalamat ang ipinarating ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa mga grupo at organisasyon sa Imus mula Disyembre 3 – 28, 2025, sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula.

More Info


Tanglaw sa Paskong Imuseño 2025: Taon ng Pagdiriwang at Pagbabahagi


December


Makulay. Maningning. Masigla. Ganito mailalarawan ang selebrasyon ng Kapaskuhan sa Imus ngayong Disyembre 2025. Sa pagsisimula pa lamang ng buwan ay natunghayan na ng mga Imuseño ang tanglaw na hatid ng pagsindi sa higanteng Christmas Tree at iba pang mga palamuti sa paligid ng Imus City Plaza.

More Info


18-day Campaign to End VAW 2025: Pagkakapantay at pagpapaigting ng karapatan ng sa mga kababaihan


December


Iniangat ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang kapakanan at karapatan ng mga kababaihan mula sa anumang uri ng pang-aabuso at karahasan sa idinaos na 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW) 2025 mula Nobyembre 25 – Disyembre 12, 2025.

More Info


Mayor AA, dumalo sa mga pagtitipon ng M4GG ngayong Disyembre


December


Naging bahagi si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa mahahalagang talakayan ng Mayors for Good Governance (M4GG) noong Disyembre 3 at 18, 2025, na ginanap sa Lungsod Quezon at Lungsod Maynila para sa patuloy na pagsusulong ng mabuting pamamahala.

More Info


253 PWD, nakatanggap ng tulong pinansyal


December


Kinumusta ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang 253 Imuseñong may kapansanan kasabay ng paghahatid sa kanila ng tulong pinansyal nitong Disyembre 16, 2025, sa Wellness Center, New Imus City Government Center. Katuwang sa pangungumusta ng alkalde ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus. Ang programang Persons with Disabilities (PWD) Financial Assistance ng pamahalaan ay pinangungunahan ng Office of the City Social Welfare and Development. Layon nitong matulungan ang mga Imuseñong may kapansanan sa kanilang araw-araw na pangangailangan.


89 kawani ng Imus LGU, pinarangalan sa kanilang mahigit 10 taong paglilingkod


December


Personal na pinarangalan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang 89 na mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na nasa serbisyo publiko ng mahigit 10 taon nitong Disyembre 15, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center sa pamamagitan ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) ng Civil Service Commission. Bukod sa plake, nakatanggap din ng cash incentive ang mga kawani batay sa kanilang tagal sa serbisyo publiko: 10 taon, 15 taon, 20 taon, 25 taon, at 30 taon. Taos-pusong pinasalamatan ni Mayor AA ang mga kawaning patuloy na naninilbihan at nagmamalasakit sa bayan.


Iskolar ng Lalawigan Educational Assistance, bumisita sa Imus


December


Malugod na sinalubong ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sina Cavite Governor Abeng Remulla at Cavite Vice Governor Ram Revilla sa kanilang paglapit ng “Iskolar ng Lalawigan Educational Assistance” sa 3,419 na mag-aaral ng Cavite State University – Imus Campus nitong Disyembre 15, 2025. Layon ng educational assistance na matulungan ang mga estudyante na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Tinatayang nasa P6.8 milyon ang kabuuang halagang inilaan para sa mga mag-aaral ng naturang paaralan. Bahagi ng programa sina Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus. Naniniwala si Mayor AA na ang tulong pinansyal na ito sa mga mag-aaral ay malaking hakbang para masuportahan ang kanilang mga pangarap at masiguro ang maganda nilang kinabukasan.


OK Awards 2025: “Empowered Youth, Hope of Our City”


December


Pormal na binigyang-pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang mga kabataang Imuseñong bukod-tangi ang naging kontribusyon sa Imus noong Disyembre 10, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government sa pamamagitan ng Outstanding Kabataan (OK) Awards 2025 ng Sangguniang Kabataan Federation Office.

More Info


Pagtatapos ng ikatlong batch ng mga mag-aaral ng CCI ngayong 2025


December


Matagumpay na nagsipagtapos ang 427 estudyante ng City College of Imus (CCI) noong Disyembre 4, 2025, sa City of Imus Sports Complex matapos ang ilang buwang pag-aaral. Sa kanilang pagtatapos, nagbigay ng inspirasyonal na mensahe ang panauhing pandangal at alumnus ng kursong Drafting Pattern na si Raymark Ramirez. Ibinahagi rin niya ang kanyang mga naging karanasan mula nang magtapos sa CCI. Nagbigay rin ng pagbati sa mga nagsipagtapos sina City Administrator Lauro Monzon, bilang kinatawan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, at CCI Officer-in-Charge Generoso Ramos Jr. Bukas ang CCI para sa mga Imuseñong nais matutunan ang iba’t ibang technical at vocational programs.


563 Imuseño indigent solo parents, nakatanggap ng education assistance


December


Personal na iniabot ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang tulong pinansyal para sa edukasyon ng mga anak ng 563 indigent solo parents noong Disyembre 4, 2025, sa Wellness Center, New Imus City Government Center. Layon ng programang Binhing Advincula Educational Assistance na masuportahan ang indigent solo parents sa pagpapaaral ng kani-kanilang mga anak. Patuloy rin ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagpapalawak at pagpapatibay ng mga programang mapakikinabangan ng mga Imuseño sa larangan ng edukasyon.


Philippine Marian Pilgrimage Tour, bumisita sa Imus


December


Mainit na sinalubong ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, katuwang ang Department of Tourism – Calabarzon at Diyosesis ng Imus, ang mga bisita mula sa Philippine-based tour consolidators at inbound operators mula Vietnam at Indonesia noong Disyembre 4, 2025, sa Katedral ng Imus para sa promosyon ng Virgenes Coronadas de CALABARZON na bahagi ng Philippine Marian Pilgrimage Tour.

More Info


4 Imuseño nakatanggap ng prosthetic legs


December


Maagang Pamasko ang hatid ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa pagbibigay ng prosthetic legs sa apat na Imuseño noong Disyembre 1, 2025, sa kanyang tanggapan sa New Imus City Government Center. Kinilala ang mga benepisyaryo na sina Vic Lourence Magallanes, 28 anyos, mula sa Brgy. Pasong Buaya II, Salvador Casiano Temblor, 58 anyos, mula sa Brgy. Alapan I-B, Teodoro Ople, 68 anyos, mula sa Brgy. Medicion II-F, at Alfredo Nera Mangaco, 64 anyos, mula sa Brgy. Malagasang II-B. Hangad ni Mayor AA na mas magkaroon ng kumpiyansa sa kani-kanilang sarili ang bawat Imuseñong nakatatanggap ng prosthetic leg.


Ospital ng Imus, hinirang na Best Hospital-Based Blood Station sa CALABARZON


December


Kinilala ang Ospital ng Imus bilang Best Hospital-Based Blood Station sa CALABARZON sa ginanap na First Regional Integrated Awarding Ceremony ng Department of Health and Center for Health Development (DOH-CHD) CALABARZON noong Disyembre 10, 2025, sa Lungsod Tagaytay. Ang pagkilalang tinaggap ng Ospital ng Imus ay patunay sa husay nito sa pagpapatupad ng ligtas at maaasahang blood services sa Imus at maging sa buong rehiyon ng CALABARZON. Sinisiguro ng naturang ospital ang patuloy na pagsunod sa mga pamantayan ng DOH upang mapagbutihan pa ang kalidad ng serbisyong natatanggap ng mga Imuseño.


Imus LGU, Bronze Awardee sa MBCRPP Compliance Assessment


December


Pinarangalan ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng Bronze Award para sa Provincial Level – City Category matapos makakuha ng 95.48 porsyentong rating sa 2024 Local Government Unit (LGU) Compliance Assessment ng Department of the Interior and Local Government (DILG) IV-A para sa Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP) noong Disyembre 9, 2025, sa Lungsod ng Lipa, Batangas.

More Info


Barangay Maharlika, SGLGB at LTIA Awardee


December


Malugod na tinanggap ng Sangguniang Barangay ng Maharlika ang prestihiyosong Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) at ang Second Runner-up sa Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) sa 2025 Juan Awards: Gawad Parangal para sa mga Natatanging Barangay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) IV-A noong Disyembre 2, 2025, sa Lungsod ng Sta. Rosa, Laguna. Iginagawad ang SGLGB sa mga barangay na napatunayan ang kanilang kahusayan sa paglilingkod, pagpapatupad ng mga epektibong programa, at tapat na pamamahala sa kanilang nasasakupang komunidad. Patunay naman ang LTIA sa matatag na pamumuno at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan para sa mga residente ng Barangay Maharlika.


Ospital ng Imus, nakatanggap ng 3-Green Star Rating


December


Iginawad sa Ospital ng Imus ang 3-Green Star Rating, na may Above Average Practice, para sa taong 2025 sa ginanap na Green and Safe Health Facilities Recognition and Technical Assistance ng Department of Health (DOH) – Health Facility Development Bureau noong Disyembre 1, 2025, sa Lungsod Maynila. Ang tagumpay ng Ospital ng Imus ay sumasalamin sa pagsusumikap nito na mas maging ligtas, maayos, at makakalikasan ang serbisyong ibinibigay sa mga Imuseño.


11 Nego-Kart, iginawad sa ambulant vendors


December


Personal na ibinigay ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa 11 Imuseñong nagtitinda ang sarili nilang Negosyo sa Kariton (Nego-Kart) nitong Disyembre 22, 2025, sa Wellness Center, New Imus City Government Center. Ang bawat Nego-Kart ay naglalaman ng mantikang panluto, French fries, fish ball, kikiam, squid balls, at plastic cups. Katuwang ni Mayor AA sa paghahatid ng Nego-Kart si Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, mga konsehal, ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Office of the City Mayor – Public Employment Service Office. Ang Nego-Kart ay isa sa mga proyekto ng DOLE para matulungan ang mga Pilipinong kapos sa buhay na magkaroon ng karagdagang mapagkakakitaan.


34 CCTV camera matatagpuan sa Imus Palengke


December


Pormal nang ikinabit ang 34 na CCTV camera sa Imus Public Market nitong Disyembre 19, 2025, sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula. Ang pagkakaroon ng 34 na CCTV camera sa naturang pamilihan ay bunga ng natanggap na 2024 Seal of Good Local Governance ng Pamahalaang Lungsod ng Imus dahil sa tapat at mabuting pamamahala nito. Ani Mayor AA, ang pagbili ng CCTV camera ay isa sa mga pamamaraan ng kanyang administrasyon para masuklian ang suportang ibingay ng mga Imuseño at masiguro ang kanilang seguridad sa pamimili sa pampublikong pamilihan sa Imus.


Brgy. Anabu I-G, 1st Runner-up sa Gawad Taga-Ilog Awards 2025


December


Hinirang bilang First Runner-up (Lowland Category) ang Sangguniang Barangay ng Anabu I-G, pinamumunuan ni Punong Barangay Robinson Silla, sa ginanap na Gawad Taga-Ilog Awards 2025 ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau Calabarzon nitong Disyembre 23, 2025, sa Lungsod Tagaytay. Ang naturang parangal ay bunga ng mga huwarang inisyatiba ng nasabing barangay upang maprotektahan ang Ilog ng Imus sa pamamagitan ng pagtiyak sa ganda ng kalidad ng tubig at epektibong pagpapatupad ng solid waste management bilang bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program. Hangad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na magsilbi itong inspirasyon sa mga Imuseño na panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran, higit sa mga daluyan ng tubig.


Imus OCHO, ginawaran ng DOH – CHD CALABARZON


December


Umani ng mga pagkilala ang Office of the City Health Officer (OCHO) ng Pamahalaang Lungsod ng Imus matapos makatanggap ng dalawang parangal mula sa Department of Health – Center for Health Development (DOH–CHD) CALABARZON sa ginanap na Regional Integrated Awarding Ceremony noong Disyembre 10, 2025, sa Lungsod Tagaytay. Kinilala ang Imus sa Outstanding Implementation of Intensive Pregnancy Tracking - Barangay Bantay Buntis at 100% Timely Field Health Services Information System Compliance. Patunay ang tagumpay na ito sa masigasig na pangangalaga ng lokal na pamahalaan sa kalusugan ng mga buntis at kanilang mga sanggol sa sinapupunan at sa maagap na pagsusumite ng mahahalagang datos sa Field Health Services Information System.


OCHO–CESU pinarangalan ng Provincial Health Office at DOH CALABARZON–ESU


December


Kinilala ang Office of the City Health Officer – City Epidemiology and Surveillance Unit (OCHO–CESU) sa dalawang kategorya ng Consultative Meeting on Fireworks Related Injury Surveillance (FWRI) na pinangunahan ng Provincial Health Office – ESU, katuwang ang Department of Health (DOH) CALABARZON – Regional ESU, noong Disyembre 10, 2025, sa Lungsod Trece Martires. Bunsod ito ng 100% Reporting and Timeliness for Epidemic-prone Disease Case Surveillances (EDCS) Year 2024 na nag-ambag sa pagpapabuti ng pagmamatyag sa mga sakit na maaaring pagmulan ng epidemya sa buong probinsya ng Cavite. Tinanggap din ng tanggapan ang pagkilalang Most Improved Disease Reporting Units (DRUs) in the implementation of EDCS. Ang mga pagkilalang ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa maagap, kumpleto, at epektibong pagsusumite ng ulat na nagbigay-daan sa mas mahusay na pagtugon sa mga sakit na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng mga Imuseño.