Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang ASEAN Youth Month Philippines 2025 ngayong Agosto sa pagtutulungan ng City of Imus Council for the Protection of Children (CICPC), Local Youth Development Office (LYDO), at Sangguniang Kabataan (SK) Federation ng Imus.
More Info
Nagsama-sama ang 152 Imuseñong nanay para sa sabayang pagpapasuso sa “One Breastfeeding Philippines: Yakap Hakab” ng Office of the City Health Officer nitong Agosto 28, 2025, na ginanap sa Activity Area, SM Center Imus, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Breastfeeding Month.
More Info
Personal na binati at inihatid ang P100,000 at grocery package ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula nitong Agosto 28, 2025, ang Imuseño centenarian na si Nanay Sabina Minaldo ng Brgy. Anabu I-C. Nagdiwang ng ika-100 kaarawan si Nanay Bibing noong Agosto 24, 2025. Kaagapay sa pagbisita ni Mayor AA ang Office of the Senior Citizens Affairs at ang Imus Senior Citizens Association Incorporated. Alinsunod sa Republic Act No. 10868, o “Centenarians Act of 2016,” ang pagbibigay ng P100,000 pagsapit ng ika-100 taon ng mga Pilipino.
Abot-kayang produktong lokal ang napamili ng mga Imuseño sa 48 tindahan na lumahok sa pagdating ng Kadiwa ng Pangulo nitong Agosto 22, 2025, sa Barcelona 3 Covered Court, Brgy. Buhay na Tubig. Bukod sa bigas, sariwang karne, prutas, at gulay, nabili rin dito ang iba’t ibang produktong lokal tulad ng mga panghimagas, inumin, pampalasa, tinapay, kape, tsinelas, bayong bags, at mga produktong magagamit sa bahay. Bumisita rin dito sina Engr. Pamela Cruz ng Office of the Provincial Agriculturist, Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, mga konsehal sa pangunguna ni Konsehal Darwin Remulla bilang namumuno sa Komite ng Agrikultura, City Local Government Operations Officer Roxanne Vicedo, mga kinatawan ng Department of Agriculture CALABARZON, at department at unit heads. Ang Kadiwa ng Pangulo ay ang flagship program ng pamahalaan na layong matulungan ang mga Pilipinong magkaroon ng maayos na kita at makapamili ng mga murang produkto.
Lumalim pa ang kaalaman ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula at ng mga muling nahalal na mayor ng Cavite ukol sa mabuting pamamahala sa kanilang pagdalo sa tatlong araw na “Transformative Leadership of Elevated Governance: Refresher Course” training ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Cavite mula Agosto 18–20, 2025, sa Tagaytay City.
More Info
Pinangunahan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang mga pagpupulong ng iba’t ibang konseho at tanggapan ng lokal na pamahalaan noong Agosto 15 at 26, 2025, sa New Imus City Government Center.
More Info
Pinarangalan ang karunungan at lakas ng 115 kabataang Imuseño sa ginanap na Dunong at Lakas Awarding Ceremony nitong Agosto 19, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center.
More Info
Sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Office (LTO) Imus District Office sa Pamahalaang Lungsod ng Imus, makukuha na ng mga drayber ng motorsiklo at traysikel na walang plaka mula 2014 hanggang 2017 ang kanilang mga plaka simula ngayong Agosto 2025.
More Info
Binisita at nag-abot ng tulong pinansyal sa 16 na pamilyang biktima ng sunog sa Primarosa Subd., Brgy. Buhay na Tubig sina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula noong Agosto 14, 2025. Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagbigay rin ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng food pack, hygiene kit, at sleeping kit sa mga pamilya. Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Primarosa Subd. madaling araw ng Agosto 14, kung saan isang 58 taong gulang na lalaki ang nasawi. Pansamantalang nanunuluyan sa Barcelona III Covered Court ang mga nasunugan.
Unti-unti nang magkakaroon ng cashless payment option sa mga traysikel sa Imus matapos idaos ang Paleng-QR Ph, programang inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of the Interior and Local Government (DILG), seminar para sa mga Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) noong Agosto 14, 2025, sa Children and Youth Development Center, Imus Pilot Elementary School. Napakinggan ng 142 miyembro ng TODA ang paliwanag ng BSP – South Luzon Regional Office, kaagapay ang BDO, GCash, at HSBC, kung bakit mahalagang maitaguyod ang programang Paleng-QR Ph para sa pagpapatupad ng digital payment sa bansa. Kailangan lamang i-scan ng mga pasahero ang QR code na nakapaskil sa loob ng mga traysikel para sa pagbabayad ng kanilang pamasahe. Inilunsad ng BSP at DILG ang programang Paleng-QR Ph noong 2022. Sa ngayon, umabot na sa 188 lokal na pamahalaan ang nagpatupad ng programa sa kani-kanilang lungsod, kabilang na ang Imus.
Naghatid ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Pamahalaang Lungsod ng Imus ng food pack sa 1,500 pamilyang lubos na naapektuhan ng habagat na pinalakas ng mga bagyong Crising, Dante, at Emong noong Agosto 12, 2025, sa Barangay Carsadang Bago II. Personal na kinumusta nina Cavite Governor Abeng Remulla, Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, at mga konsehal ang mga pamilya. Ayon pa kay Mayor AA, mahalagang magtulungan ang bawat isa, lalo na sa mga kalamidad at sakuna. Dagdag pa niya na ang agarang paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan ay bunga ng pagtutulungan ng mga lider.
Sa layuning manaig ang mabuting asal at magandang kalidad ng kaalaman sa mga kabataan, inilunsad ng Department of Education (DepEd) Schools Division Office (SDO) – Imus ang proyektong Angat ang may ALAM at ASAL para sa Program ARAL noong Agosto 11, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center.
More Info
Naging bahagi si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa pagtitipon ng mga punong lungsod sa bansa noong Agosto 7–8, 2025, sa Pasay City. Tinalakay ng 80 alkalde ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga lungsod na lubos na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad, mabuting panglungsod na pamamahala, at kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan. Dinaluhan din ang pagpupulong ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla para makipag-usap sa mga punong lungsod patungkol sa pagpapabuti ng mga serbisyong inihahatid ng mga lokal na pamahalaan. Ang League of Cities ay ang asosasyon ng 149 na lungsod sa buong Pilipinas.
Matapos ang apat na araw na pagpupulong, pinagtibay ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Executive-Legislative Agenda nito para sa mga taong 2026–2028 noong Agosto 5–8, 2025, sa Mactan, Cebu. Namuno sa sangay ng ehekutibo si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula kasama ang mga tagapangulo ng mga tanggapan, habang si Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan ang nanguna sa lehislatura, katuwang ang mga konsehal. Sentro ng talakayan ang lagay ng lokal na pamahalaan — ang mga napagtagumpayan at ang mga dapat pang mapagtagumpayan sa susunod na tatlong taon. Binubuo ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang kanilang Executive-Legislative Agenda tuwing ikatlong taon upang matukoy ang mga programa at proyektong dapat na maisakatuparan.
Wagi ang mga kabataang Imuseño na maipagmalaki ang galing ng mga Pilipino nang maiuwi ang iba’t ibang
pagkilala para sa kanilang mga natatanging imbensyon sa larangan ng makabagong teknolohiya at pagtugon
sa mga kalamidad sa International Exhibition for Young Investors (IEYI) 2025 noong Agosto 6–7, 2025, na ginanap sa Osaka, Japan.
More Info
Namahagi ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa humigit-kumulang 1,000 Imuseño noong Agosto 4, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center.
More Info
Pinangasiwaan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang opisyal na panunumpa ng mga bagong opisyal ng mga asosasyon ng nakatatandang Imuseño noong Agosto 4, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center. Bahagi ng makabuluhang panunumpa si Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan at ang mga konsehal. Sa pamamagitan ng administrasyong Advincula, patuloy na magsusulong ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng mga programa at proyektong mangangalaga sa kapakanan ng mga nakatatanda sa Imus.