City of Imus

Urban Fire Olympics 2024, isinagawa ng BFP Imus



March 2



Sinimulan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Imus ang Fire Prevention Month sa pagdaraos ng Urban Fire Olympics 2024 noong Marso 2, 2024, malapit sa New Imus City Government Center.

Ipinamalas ng 11 Barangay Fire Brigades at dalawang Industrial Fire Brigades ang kanilang kahanga-hangang kakayahan sa pagsugpo ng sunog at sa iba’t ibang rescue techniques.

Lumahok din sa programa sina City Local Government Operations Officer Ryan Joseph Geronimo ng Department of the Interior and Local Government, Liga ng mga Barangay (LNB) President Reymundo “RR” Ramirez, at dating LNB President AJ Sapitan.

Ang buwan ng Marso ay kinikilala bilang Fire Prevention Month batay sa Proclamation No. 115- A, taong 1966, na layong ipaalala sa publiko na maging maingat sa lahat ng oras para maiwasan ang pagsiklab ng sunog.