City of Imus

Mayor AA naghandog ng cash incentives sa mga kinatawan ng Imus sa RSPC



March 2



Personal na iniabot ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula noong Marso 11, 2024 sa New Imus City Government Center ang cash incentives ng mga kabataang kumatawan sa Imus sa ginanap na Regional Schools Press Conference (RSPC) ng Department of Education CALABARZON sa Laguna noong Pebrero 27 hanggang Marso 2, 2024.

Katuwang ni Mayor AA sa pagbibigay-komendasyon sina Schools Division Superintendent (SDS) Homer Mendoza, Assistant SDS Bernadeth Luna, Office of the Curriculum Implementation Division Chief Glenda Catadman, Education Program Supervisor Dr. Ricardo David at Leticia Rogacion, at school principals.

Sa pamamagitan ng mga kompetisyon gaya ng RSPC, nalilinang ang talento at kasanayan ng mga kabataan sa pagsusulat at pagbabalita sa iba’t ibang kategorya ng campus journalism.